Eulogy

June 29th, 2009  Tagged
I’ve been busy taking care of my mother’s wake and burial and of friends and family visiting the wake that I am too exhausted to grieve. It was only on the last day of the wake that it sank on me that Mama is no longer with us. Though I’ve prepared myself for this since she was first diagnosed with her illness, I guess there is no such this as preparation when the final moment comes. The sadness is overwhelming, I miss her so much. It was my brother who delivered the eulogy as I can’t compose myself to even utter a word.
This could have been my eulogy…
Una po sa lahat ang taos puso po naming pasasalamat sa lahat ng tumulong sa amin mula pa nang magkasakit si Mama hanggang sa kanyang mga huling sandali. Marami po nagsasabi na survivor si Mama, totoo po iyon sa dami ng kanyang pinagdaanan na sakit makailang beses pong halos nasa bingit na sya. Last December po na magsimula ang pinakacritical na karamdaman nya, biglaan po at di namin inaasahan na halos wala na syang makilala ni isa sa amin. With God’s grace and the prayers from our family and friends pinagkalooban pa po sya ng panibagong lakas para paglabanan ang kanyang karamdaman. Minsang nakakwentuhan ko po sya tungkol sa mga nangyari na di nya matandaan, napaluha po sya at sabay sabing “marami palang nagmamahal sa akin”, oo naman ang sagot ko po sa kanya. Simula po noon ano mang sakit ng katawan o hirap sa pagkain ay pilit nyang nilalabanan para sa mga nagmamahal sa kanya. Pero napapadalas na po talaga ang mga daing nya, minsan po isang gabi na ako ang nagbantay ay di po sya mapakali, masakit daw po ulo nya, likod nya, tyan, binti basta daw po buong katawan, pag kaganito po ay minamasahe namin sya para maibsan ang sakit, habang minamasahe ko po sya ay bigla nya na lang po nyang tinaas ang kanyang mga braso, sabi ko bakit po Ma?, “yakapin mo ko”, tulo po ang luha ko habang mahigpit ko syang niyakap, para bang lahat ng sakit ay mawawala sa yakap kong yon. Nang gabing yon, masakit po man sa aking kalooban ay itinaas ko na po ang buhay nya sa Diyos. Labis labis po ang aking pasasalamat sa Diyos at binigyan pa kami ng pagkakataon na makapiling pa sya ng mahigit anim na buwan . She finally found peace and was laid to rest. Isa po syang mabuting ina, asawa, anak, kapatid,at kaibigan… masayahin, mataray at palaban pero naguumapaw po sa pagmamahal. We’ll miss you Ma and we will always love you.

 

Manalig ka

October 28th, 2008  Tagged ,

*from the archives 08/11/04* 

Kay dami nang luhang pumatak, pusong laging nanangis,

Hikbing umulinig, parang sirang plakang aking nadidinig

Napalayo man sa ibang bayan, tawag mo’y alang patid

Puno ng hinagpis sa iyong pusong lagi na lng nasasaktan.

Tanging maiaalay mga tengang dumidinig, katagang pakikiramay,

pagtahan mo ang siyang pakay. 

Di na mabilang kun ilan silang iyong iniyakan,

Mga hudas sa aking paningin, mapagsamantala sa iyong kahinaan,

Laging dasal na sana’y dumating na ang siyang sayo ay magpapaligaya,

Wagas na pag-ibig sana ay matagpuan mo na.

 

Sa araw na tinakda bakas na ang kaligayahan sa iyong mukha

Puno ka ng sigla,  wala nang bahid ng lungkot bagkus ay maaliwas na

Saksi ang lahat pati ang Maykapal sa inyong panunumpa

D ko mapigil mangilid aking mga luha, luha ng kagalakan

Pagkat sa araw na iyon ay natupad na, sa wakas ay natagpuan

Pag-ibig na wagas na syang iyong inaasamasam.

 

Sapat na yon para ako’y muling manalig sa sinasabi nilang wagas na pag-ibig

Di man dumating sa ngayon, maaring di rin bukas o sa makalawa, abutin man ng ilang taon

Basta ito’y darating sa bawat isa sa atin, sa takdang panahon… sa di inaasahang pagkakataon. *bow*

NPA (No Permanent Address) Part 1

August 7th, 2008

Haler friendsters namiss nyo ba ko? Pansin nyo puro part 1 lang mga kwento ko hahaha

Mag-8 years na ko dito sa Singapore at pang walong tirahan na din itong tinutuluyan ko. Sa bawat tirahan aking natuluyan, sari-saring kwento ang kaakibat, karamihan ay masasaya, meron ding super kakalerkei, , dun sa mga nakakarelate, naalala nyo ba ang kuwento ng patay na daga? ahihihi, anjan din ang kakunsumi-kunsumi (ang kuwento ng puting buhok), meron ding tampuhan, awayan, iwanan, balikan at layasan chorva (that’s another story na d na dapat ungkatin pa) at meron din nakakatakot (ang mga kuwento from the beyond).

Gusto ko munang sariwain ang unang tapak ko sa Fine City. Masayang nakakaloka at malungkot na megadrama ang unang mga kabanata…

Imagine 3 beses delayed ang flight ko, mga 8PM e tumawag pa ko kina mader at pader, buong akala nila nasa SG na ko.  Susme nag-mamajong at nagtotong-its na sila habang ako ay maloka lokang nasa airport pa din. Sabi ko sa sarili ko isang delay na lng d na ko tutuloy baka ikako it’s a sign, naks! Sa wakas natuloy din after a few Jollibee meals (un lng ang kayang ibigay ng PAL matapos kaming pag-antayin ), madaling araw na ako nakatapak ng SG.  Lekat kamahal pala ng taxi pag ganun oras. Siste pa nito un mga sumundo saken (you know hu u are guys and girlaluh?!?) e mas intersado pa sa Jollibee na dala dala ko, ang mas masakit pa nito e sa bundok ata ng tralala cla nakatira, dun sa makasaysayang Normanton Park (NP).  Punong puno ng pinoy dun kaya punong-puno din ng intriga nyahahhaha kun ano mga yan syer nyo yan nyahahahaha

Dahil nga katatapos lng ng Pasko nun mega-cry ako tlga ket puro boylets ang kasama ko sa room.  Kinaumagahan mega-kapit pa ko sa grills ng bintana habang tulo ang luha ko (parang c ate Shawie dun sa Bukas luluhod ang mga tala)

Eto isa pang eksena…

First mass ko sa SG sa Holy Spirit, montek na kong magbreakdown nun kinanta ang Ama Namin (Tagalog mass pa un) buti na lng anjan ang mga boylets para alalayan ako.  Pero nahimasmasan naman ako agad kc pinagtitinginan na nila ko sayang naman ang byuti ko baka mabansagan akong emotera, hmmm why not carry ko naman.

Nasundan pa ang mga eksenang ganyan dahil nga first time kong mawalay sa poder ng aking mahal na ina at sa napakalayong lugar pa ko napadpad.  Most of us, if not all of us have our own nakakalungkot na kwento about our first time here in SG bahala na kayo magkwento ng sarili nyo nyahahhaha

Makalipas ang ilang linggo dumating na ang payday, nagbago na ang ihip ng hangin, iba tlga nagagawa ng pera! Me pangdeposit na sa bagong tirahan kaya ayun at lipat naman ang byuti ko sa Bendemeer, may boylets din kaming kasama dun na nagpi-feeling binata kaya linggo-linggo gimik sa HardRock ang tropa. First time kong malasing sa SG, nagising na lng ako ng madaling araw na namimilipit sa sakit ng tyan.  Lahat ata ng kinain ko mula kamakalawa ay nilabas ko, halos kahandusay na ang byuti ko sa sahig pero walang kamalay malay ang mga kabahay ko na lango din gaya ko. Nang nahimasmasan ako e nilinis ko ang crime scene para alang ibidens nyahhahaha and I vowed never to get drunk again o ha! *echos*

Naranasan ko na din ang makalampas ng baba sa bus stop, nakarating ako sa teritoryo ng mga anaps sa Serangoon, gosh sandamakmak ang uwak sa paligid na putak nang putak na parang any moment ay pagpepyestahan nila ako, but I got home safe that night kahit na halos hubaran ako ng tingin ng mga anaps na nakatambay sa bus stop.  Me asim pa ko nun pwamis.

Sabi nila d bumabaha sa Singapore, pero maniniwala ba kayong bumaha sa flat namin, trully walang halong eklat.  Naiwanan bukas ang aircon sa sala na matindi pa sa shower ang buga ng tubig, kaya kinagabihan ang buong sala e bahang baha, syempre majoray ang lola nyo kaya kun sino un nakaiwan ng aircon (d boylets) ang pinaglimas ko ng tubig nyahahaha

Eto ang isang importanteng aspeto sa paninirahan na ndi dapat ipagwalang bahala, yan ay ang pagtira sa hindi-approved na HDB. Hindi approved parentahan kung hindi kasamang titira ang may-ari, pero marami pa din dito ang tumutuloy sa ganyan, sabi nga nila lakasan lang ng loob wag lang kayong mamalasin kasi bawal po tlga yan mga prenjies. Maraming kautangan ang may-ari ng bahay kaya samot saring threat na kesyo ise-sheriff ang bahay at kun anu ano pa ang natatanggap naming sulat, kaya natakot ang byuti ko, baka masumbong nga na ndi aprub at baka nga masheriff ang household kaya eskapo ulit ang byuti ko at balik sa NP.

hanggang dito na lang muna at abangan ang mga sumunod na eksena sa aking pagbabalik sa NP

Balentayms day *advance mode*

February 1st, 2008

Pebrero na naman parang kelan lang e nasa Pinas ako at lumalanghap ng usok mula sa kahindikhindik na putukan nung bagong taon. Ang saya saya ng New Year, ket brownout pa nun. Kasama ko c pader na nanonood ng fireworks courtesy ng mga mayayaman naming neybors, habang panay sambit naman ni mader na tignan tignan daw at baka sa bubong namin bumagsak ang mga pasabog. Panic mode na nman si mader imbes na mag-enjoy sa putukan, hang-KJ! Haaay isang buwan na pala ang nakalipas, 11 months na lng new year na ulit bwehehehe. Patuloy naman ang selebrasyon dito dahil sa nalalapit na Chinese New Year, me putukan din at sandamakmak ang mga tao sa Chinatown na nagkukumahog sa pagbili ng bakwa. Pero kaalinsabay din ngayong Pebrero syempre ang araw ng mga puso. Huwaw love is in the air, is it? Kasabihan na ang pagyanig jan sa atin sa bandang Pasig at Sta. Mesa nyahahaha, pero d2 cguro e sa bandang Geylang yayanig har har har. Eniweys kun ikaw ay me kapuso araw mo to! pero kung ikaw e me kapamilya, tol! araw mo din to! ahihihi Pero sa isang girlaluh syempre wish mo din na makita ng madlang pipol na me dalang pumpon ng rosas habang nakasandal ka sa pinto ng MRT at habang c fafa e nakabarikada sayo nyahahahaha. Wish mo din me ka HHWW ka along Marina Bay or me kalabing-labing habang nakapila sa mga restaurants o sinehan. Wish mo lng tlga! Kaya kun me boylet ka, gurl now is the taym para magpatweetums para d ka mazero sa balentayms. Kung ikaw naman ay binata or nagbibinata, TP na yan! ahihihi Handa mo na lng ang mga dolyares mo para sa mga bebots. Pero kung alang prospek na boylet? alang anda para sa mga bebots? handa mo na ang popcorn at mag-marathon ka na lng ng Korean telenovela, mga frenjies lilipas din yan balentayms.

*Eto mamamakyaw na ko ng popcorn nyahahahaha*

Pinoy ako! - Kwentong balikbayan Part 1

January 10th, 2008

Preparation:

Ilang gabi na kong d mapagkatulog, marahil dala ng excitement sa nalalapit kong pagbabakasyon. Parang dejavu ganitong ganito ko nun unang uwi ko Pasko taong 2001. Grabe 2008 na pala!

Biyernes Dec 22, ang takdang araw…nagawa ko pang maglast minute shopping! Sige lng sa pag-eempake, pakiwari ko namaster ko na to, sa isip isip ko d na ako ma-excess. Last minute check ng email…nagulantang ako sa paalala ng FilAir, please be there by 8PM, orayt! patawa ba cla e 12:30 AM ang flight ko. Sabagay naisip ko ang mga sismis na kumakalat na na-overbook daw ang mga flights dala na rin cguro sa dami ng nagnanais umuwi at isama na tin siguro ang pagsasamantala ng mga kinauukulan. Mahirap na nga naman kung maaberya pa ko.

Departure:

Nakarating ako sa budget terminal mga 9PM, me pila na kahit d pa nagbubukas ang counter. Napilitan na clang magbukas dahil lalampas na ang pila sa labas ng terminal. D na bago ang mga higanteng hand-carry luggage, kun makakalusot nga nmn diba, y not? chocnut! So ayun na nga isang pamilya ang nakipagtalo sa yalam na countergirl, para wala nang kesyo kesyo ayun at pinalusot na din, swerte ko na din kasi sa inis ata ng yalam ket excess ang mga bagahe e go na lng ng go. Excess ata ako ng 3 kilo pero winner un nasa unahan ko na 4 ata ang hand-carry! Dahil nga napaaga ako e sangbundok ang pagkainip ko.  Mga 1 hr ata b4 boarding e namataan ko nang madaming pumipila sa boarding gate kaya ayun go na rin ako sa pagpila. Nun nagpapapasok na etong c ate e naliligaw ata, d nya daw alam kun tamang sa left o right sya pumila, sa left kc un mga seats bandang harap at sa right un sa bandang likod. Tinanong ko un seat number nya, "26 eh" tugon ni ate, sabi ko ako ay 25A at sabi nya agad tabi daw kami, hehehe. Pinaliwanag ko kay ate na tama ang pila nya at d kami tabi kundi sa likod ko sya uupo hehehe. Me dala syang stroller kaya nauna na ko sa kanya, agad akong nakaupo at aliw na aliw na pinapanood ang ating mga kababayan na nagsasalansan ng mga bagahe sa cabin. Iba tlga ang Pinoy! Isod dun, patong dun, ikot dun, napagkasya naman talaga ang mga higante at sandamakmak na luggage. Eto na c ate na parang naliligaw na naman, upo agad sya sa 26D, naturalmente pinalayas sya, ano ba numero mo tanong ng girlaluh, "26 eh", ay dun ka sa kabila, so ayun c ateng at lumipat sa likuran ko. Dumating etong c kuya, miss anong number mo tanong nya kay ateng, "26 eh" sabay pakita ng boarding pass. "Dun ka sa kabila!" sabi ni kuya.  Napakamot ng ulo c ateng, "San ba ko tlga? e pinaalis ako dun"  Pero sumunod namn sya at dahil pinakita nya sa girlaluh ang boarding pass e napaupo na sya sa tama nyang kalagyan, 26E po pala c ateng. Pero eto ang winner na tinuran ni kuya, na d ko sure kun nadinig ni ateng "D ka ba marunong mag-alphabet? "A B C D E" sabay tawanan cla ng kanyang prenjie. Tsk tsk tsk.

Arrival:

Ala naman aberya at agad kong nakuha ang aking mga bagahe kaya tuloy tuloy na ko sa paradahan ng taxi. Dahil nga sa ilang gabi na kong puyat at syempre pagod ako at madilim dilim pa ang kapaligiran ay minabuti kong manahimik na lng kahit natataranta etong c bosing driver na makailambeses akong inikot sa airport. Kelangan daw ng parang resibo na hindi naiabot sa kanya, nagkagulo gulo din sa usapang walkie talkie kaya d malaman kun san nya kukunin. Panay nmn ang paumanhin ni bossing. "Ma’am ok pa kayo?" "OK lng" matipid kong sagot. Makulit tlga at panay ang tanong at daldal ng hitad kaya nakipagkwentuhan na lng ako sa kanya. Syempre andun ang boladas nya nun nalaman nya ang edad ko, na single pa ko at available, sayang daw ang ganda ko na d ko nmn kinontra nyahahaha. Inintriga din ako ng hitad na marahil daw ay sugatan ang aking puso kaya minabuti kong mangibang bansa. Syempre showbiz ang sagot ko, "No Comment" hahaha  Ako nmn ang humirit at inusisa ko ang buhay driver at pati na rin ang kanyang personal life. D ko pa man hinaharap ang salamin ni Kuya Boy e humirit na sya ng litanyang "Kung maibabalik ko lng" , mukhang problemado c bossing sa kanyang buhay may-asawa. 27 lng sya kaya sabi ko e siguro d pa sawa sa pagkabinata na agad nya nmn kinontra, dahil feeling nya e c misis ang immature. E ganun pala d ikaw na lng umintindi sabi ko. "Ganun na nga po Ma’am" ang tugon nya na medyo half-hearted hehehe.  Andun din ang hinaing sa kakarampot na kumisyon sa pagmamaneho ng airport taxi na halos sa ahente daw lahat napupunta. So parinig ba yan para bigyan ko sya ng malaking tip? Pabibo tlga c bosing, wlang kgatol gatol na "Kayo na po bahala" ang sagot nya. Kaya ayun at pinamaskuhan ko na nga. Sa wakas I’m home! First meal ang super juicy hotdog at sinangag yum yum! at dahil simula na ng buhay reyna, umidlip muna ko pagkatapos kumain.

Astig

September 20th, 2007

Kay tagal ko ding nawala sa limelight, wala lang tlga ko sa mood maki-friendster hahaha hanggang isang araw…. tinginingining

Nakachat ko ang Kuya ko at binalitang me friendster account na daw ang pamangkin ko, orayt!, i-approve ko daw un friend request. Matagal tagal din akong d nakalog-in kaya sa isip ko siguradong maraming pagbabago at marami na nmn akong ka-friendster na uusyosohin nyahahaha kaya humanda na kayo!

Medyo nanibago ulit ako sa menu ng friendster, syempre inuna ko ang mga new messages, uy somebody cares and its not the care bears!

Syempre d muna ko nagreply, balik ako sa Home at pumunta naman ako sa New Friend Requests, madami dami din cla na d ko nmn kilala gang sa namataan ko ang pangalang Colin Mcneil wow Amerikano! sa isip ko. Tumatanda na tlga ko… bigla ko nakita un thumbnail photo, isang batang lalaki na katabi c Winnie the Pooh , eeeeeek c Colin pala yun! ang pamangkin ko! Well sensya na tao lng d ako sanay na me Mcneil sa name nya hahaha. Astig! Welkam to friendster my poging poging inaanak at pamangkin!

Pooh

Winner!

August 16th, 2007

O ha! nanalo pa un LO ko inspired by my previous blog entryIam1

Scrappin’moms July challenge

I’m 34 years old

July 12th, 2007

I’m already 34 years old, still single, unattached, available, not even dating but waiting hahaha

Yun iba inggit sa single life ko, un iba parang naawa cguro saken, un iba maraming litanyang supladita at mataray daw kasi ako, un iba nagtataka?, un iba nmn pinagdududahan ang pagkababae ko hahaha

Well for one alam kong d ako nag-iisa sa mundo, for two d ako dapat kainggitan lalo na ang kaawaan, for three kun me pagkasupladita at maldita man ako, once you get to know me lovable namn tlaga ko, dba mga friendsters? for three and a half, kun mataray man ako, halerr! marami din nmn nangahas sa kagandahan ko nun namumukadkad pa lng ako nyahhahaha, duwag lng cguro un iba nyahahaha (love me for what I am *naks*), for four, well kahit ako nagtataka din, sadyang d ata magpangabot ang palaso ni kupido, for five well bakla tlaga ako na natrap sa katawan ng isang malusog na babae nyahahaha

I’m happy, contented and loving life… I have my down moments but who doesn’t? I long for a partner in life, but I wouldn’t die If I didn’t find one. I want to have a child of my own and name her Shinbi, but for now maybe I’ll just buy a fish or a bird and call her Shinbi.

Yun lng po at back to regular programming…

It’s a blog blog world!

July 4th, 2007

Bakit nga ba nauso ang blog? ewan ko

Bakit nga ba ko nagba-blog?

For one madaldal tlga ko IRL (in real life), makuwento at higit sa lahat long lost dream ko ang maging writer.  Pero indi po ko tsismosa, my close friends can attest to that *defensive ba hehehe*.  Ang kwento sa tuktok ng bundok maiiwan sa tuktok ng bundok. Pag sinabing secret, SECRET! bwehehehe

Anyway eto na rin cguro ang paraan to keep in touch with my friends para alam nyong i’m still alive but not kicking hahaha. Kun ika’y alang magawa, alang makausap at nalulungkot pakibisita na lng po ito, ang aking scrap blog, baka madiscover ako someday at least kayo na unang nakakita nyahahaha

Meanwhile here’ s another blast from the past…

A.K.A.

Sarisaring ngalan

Bansag sa mga  among walang kaalam-alam

Ngalang kamaganak di naman kaanuano

Si nanay, si lola pati na si lolo

Mga artistang pede na rin pan comedy

na sina Maricel,  Vic at Palito

Meron din tweety na jowa ni jading

Si panotski na hataw sa linedancing

Ang go gerls na tunay na kahalihalina

The likes of Spice, Jolas, Kinis at Ganda

Mga  kakaebang  katangiang taglay

Nitong c tabinge, sipunin at  pilay

Mga epals na sina ingay at ubo,

Kasindaksindak na cna Kuba at pulitiko

Anjan din si boybits at ang machong si kalbo

Pati na ang aligagang c Kulambo,

Kung pagpapasexy ang wish ni Balakang

Eto ang na-achieve nitong c Simang

Kun c  liit naman sa height ay walang laban

Fire pa rin ang arrive kay cute #1

Food coupons kay tangkad ang kuhaan

Si bulaklak namn ang champion pagdating sa tsikahan

Ingat kayo kay tutubing mailap

Pati kay dragon na naglalagablab

Pahabol pa natin sina pet puti, tapia at traydora

Si kalamansi na naging kayumito na (nyahahaha

Minsan sumagi din sa king bubot na isipan

Di kaya tayo ay kanila ring binansagan?

Bitchy me

June 17th, 2007

June 15, 2007, 5:39PM

Okay guilty na kun guilty pero pinanindigan ko na to, eto kc anaps na kaopismeyt ko super angas.  Nun nasa admin pa ko kun makautos at magpasa sya ng trabaho ganun-ganun na lang! Natarayan ko na sya minsan sa phone kaya medyo kumalma ng kaunti.  Ngayon magkasama na kami sa team, lekat na hitad e wala palang binatbat to sa Lotus Notes nyahahaha.  Chinika nya muna ko kun developer daw ba tlga ko or admin sabi ko mahigit 10 taon na ko sa LN, *o e sino ngayon ang mas maangas aber nyahahahaha*  Medyo nagitla cguro at  chinika chika pa rin ako.  Ewan ko d ko tlga sya feel!  Last week meron pinagawa sa kanya ang HR na isang malaking kalokohan para saken.  Bakit kamo?  Tatlong worksheet sa Excel na me sandamakamak na  rows ang pinagawan sa kanya ng bar graph, isa, isa kada row.  Panay ang kwento nya na matrabaho daw un pero wala syang nagawa kasi utos ng mga diyos diyosan.  Eto pa ang nakakatawa, eto e ayon sa pagkakarinig ko habang chinichika nya sa kapwa nya anaps.  Sinabi nya sa HR na average 2-3 minutes kada row daw kaya bago matapos un aabutin daw ng ilang araw o baka isang linggo pa dahil hindi lng naman un ang trabaho nya. Kasagot sagot ng mataray na dyosa ng HR, "I don’t care how long it takes I’m willing to wait" o ha! laban ka dun nyahahahaha pigil na pigil ang tawa ko nun narinig ko un.
Isang araw d na cguro nakatiis ang hitad at nagsabi na sa namumunong anaps na kelangan daw nya ng tulong. At un na nga at nadamay ang isang inosenteng katulad ko.  Uwian na nun at sabi ng pinuno e i-explain daw saken kinabukasan, ang buset na anaps d na nagpabukas ket ilang minuto na lng ay uwian na. Blah blah blah, d ko na naintindihan kun pano nya ginawa ang lintek na bar graph, tango lng naman ako ng tango.  Ala pang isang minuto pinasa na nya saken ang isa sa mga worksheet.  Nagulantang ako dahil nga d ko sukat akalain na ganun nga kadami, kulang kulang 400 rows! Sa sandaling un gusto ko nang ipalupot ang suot nyang balabal sa leeg nya. nyahahahaha pwamis!  So kinabukasan inusisa ko un worksheet, e syongak pala sya, pede pala copy paste na lng ng graph at palitan lng ang source data kesa manu manuhin nyang gawan ng graph isa isa.  Sa isip-isip ko sisindakin ko to at tatapusin ko ng mabilis, pero on second thought baka pasahan pa kong worksheet pag natapos ko agad.  Ket ba copy paste lng un madami dami din un at syempre kelangan pantay pantay sa cell kaya medyo matrabaho pa din.  #$%#$%@$@% anaps! Ilang oras pa lng ang nakakalipas, kun tapos ko na daw ba,  inexpect nya atang nagOT ako nun gabi para sa lintek na un. Ano sya hilo!  Sa inis ko sinagot ko sya, alam mo bang 400 rows to? ha? ha? Siste pa nito telebabad sya buong umaga! *absent kc un pinunong anaps* Sabi ko na lng ibibigay ko sa kanya sa hapon. Copy paste, pantay -pantay, panaka-nakang surf sa internet, at pachika-chika sa phone, *ang lagay sya lng*, ganun ang halos maghapon ko. Panay ang sulyap ng hitad na anaps tuwing nasa telepono ako.  Bandang alas-tres isang row na lng at tapos ko na, pero dahil nga bitchy ako sinadya kong d tapusin. Inisip ko kc pag tinanong ako ng hitad kun tapos ko na syempre I can honestly say na ndi pa mwahahahha.
So ayun surf surf sa internet at telebabad ako sa phone.  Mag alas-singko na kaya habang nasa phone ako ay tinapos ko na ang huling row at ni-send sa hitad na anaps bago ko ibaba ang telepono. Galing ng ESP ko, sakto pag baba ko ng phone nagtanong agad ang hitad kun tapos ko na daw ba, haler! nasend ko na sa iyo hitad ka! *well d nmn ganun pagkakasabi ko nyahahaha* Ayun supalpal na nmn sya mwahahaha
Nag-absent ang hitad for 2 days *kesyo sumakit daw ulo at batok nya dahil dun* at ngayon ngang TGIF e d nya pa rin tapos,e pano mina-mano nya tlaga.  Kita mong pangangalaga nya sa pride nya ni indi nya ko tinanong kum baket ang bilis ko, tena tlgang anaps yun!  kainin mo yang pride mo at d ko sasabihin na copy paste lng yan hitad ka! mwahahaha

FYI - Lunes na ngayon un pa din ginagawa nya har har har!

#I’m a bitch, I’m a lover
I’m a child, I’m a mother
I’m a sinner, I’m a saint
I do not feel ashamed
I’m your hell, I’m your dream
I’m nothing in between
You know you wouldn’t want it any other way#